Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sagip-pamilya: Antipolo namahagi ng 73 piglet

0 50

Nabiyayaan ng mga biik ang 30 pamilya sa Lungsod ng Antipolo City sa lalawigan ng Rizal bilang bahagi ng unang batch ng Piglet Dispersal Repopulation.

Ayon kay Antipolo City Mayor Andrea ‘Andeng’ Ynares, aabot sa 73 piglet ang ipinamigay ng lungsod sa mga qualified na pamilya, para magamit na panimula sa kanilang hanapbuhay, kasunod na rin ng pandemya at banta kamakailan ng African Swine Fever (ASF).

Gayunman ay nilinaw ng mayora na walang ASF sa Antipolo City, at wala ring ibinebentang mga karne na mula sa baboy na namatay sa ASF. Karamihan aniya sa mga natulungan ay mga backyard hog raiser na apektado ng COVID-19 at nahirapan sa pag-aalaga ng mga baboy kaya tuloy-tuloy ang mga programa upang maisalba ang kanilang hanapbuhay.

“Bukod pa ito sa libreng feeds, (nagbigay din ng) vitamins at de-wormers upang masigurong lalaking maayos at healthy ang nasabing piglets. Kapit lang,” payo pa ng lady mayor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.