SAFE PA KUMAIN NG MANOK – DOH

By

Sa gitna ng pananalasa ng avian influenza o bird flu outbreak sa Pampanga, tiniyak ng Department of Health (DOH) na ligtas pa ring kainin ang mga manok dito sa bansa, basta’t ihanda ito ng maayos at iwasan muna ang half-cooked na pagluto ng mga farm-raised products.

Nagpaalala si DOH spokesman Dr. Eric Tayag na iwasan muna ang pagkain ng mga hindi gaanong luto na chicken o bird products at iwasan muna ang pagkaiin ng soft boiled egg o malasadong nilagang itlog.

Malaki ang pangamba ng mga taga-Metro Manila na mahawa sa bird flu dahil malaking porsiyento ng supply ng itlog at manok ay mula sa Pampanga.

Samantala kinumpirma ni Tayag na sa ngayon, wala pang naitatalang human transmission ng avian flu o taong nahahawaan ng bird flu sa Pampanga.

Ginagawa na rin umano ng DOH ang lahat ng precautionary measures upang hindi na kumalat ang bird flu sa iba pang panig ng bansa.

Nakatutok din ang Department of Agriculture (DA) sa pag-quarantine sa anim na poultry farm sa bayan ng San Luis, Pampanga.

Nasa 400,000 manok, bibe at pugo ang ipinag-utos ng DA na katayin at sunugin upang hindi makahawa ng virus sa mga karatig na bayan at lalawigan sa Central Luzon.

SHARE