Una sa Balita

SAF trainee tinagay ng agos sa Zambales natagpuan na

By
0 704

Pagkatapos ng 42 araw na pagkawala, natagpuan noong Martes ang bangkay ng pulis mula Benguet na trainee ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) nang tangayin ng malakas na agos ng tubig sa Lauis River sa Masinloc, Zambales noong Setyembre 10, 2019.

Kinilala ng Zambales Police Station (ZPS) ang biktima na si Pat. Melvin Anacio Durante, 28, ng Bokod at estudyante ng SAFCC Class 87-2018.

Sa ulat ng ZPS, sinubukan umano ng biktima na tawirin ang Lauis River para itali ang lubid sa kabilang bahagi ng ilog para gamitin ng Combat Group 4 “Cheetah” sa kanilang pagtawid sa nasabing ilog.

Dito, hinila siya ng malakas na agos ng tubig hanggang siya ay nawala.

Agad nagsagawa ang mga kasama niya sa platoon ng search and rescue operation ngunit hindi nila ito natagpuan kaya nagpatulong sila sa Advance Command Post at sa iba pang mga concerned rescue unit.

Isinagawa pa ng mga Igorot na SAF trooper at mga kapamilya ni Durante ang tradisyonal na ritwal na “daw-es” para sa mas mabilis na pagkakatagpo dito.

Ayon sa kapatid ni Durante, buo ang katawan nito na natagpuan malayo sa mismong bahagi ng ilog kung saan ito natangay. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy