Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

SAF member, murder suspect todas sa ratratan

0 237

Patay ang isang pulis at ang murder suspek na target ng operasyon matapos ang naganap na palitan ng putok sa ginawang pag-aresto sa huli habang sugatan din ang isang binatilyo na nadamay sa barilan kamakalawa sa Lamitan City, Basilan.

Kinilala ang nasawing pulis na Corporal Nizar A Alijam, miyembro ng Special Action Force (SAF), habang napatay din ang target na suspek na si Jerry Omar Harayin alyas Borhan Harayin, wanted sa kasong murder. Nasa ligtas naman nang kalagayan sa ospital ang 15-anyos na tinamaan ng ligaw na bala sa palitan ng putok.

Sa ulat ng Basilan Police Provincial Mobile Force Company, Martes ng tanghali nang magsagawa ng operasyon ang pulisya laban kay Harayin sa Barangay Baas ng nasabing lungsod at isisilbi sana ng mga ito ang warrant of arrest sa kasong murder.

Imbes na sumuko ay nanlaban ito at nakipagpalitan ng putok sa pulisya na nauwi sa kanyang kamatayan.

Natamaan din nito si Alijam na agad na isinugod sa pagamutan subalit namatay din kalaunan dahil sa tinamong bala sa katawan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.