Una sa Balita

SAF commander niratrat ng tauhan sa loob ng kampo

0 427

Patay ang isang o­pisyal ng Special Action Force (SAF) matapos itong bari-lin ng kanyang tauhan dahil sa sinasabing pinagalitan umano ng biktima ang suspect sa loob ng kanilang tanggapan sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig kamakalawa nang hapon.

Sanhi ng ilang tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril, hindi na umabot ng buhay sa Parañaque Doctor’s Hospital ang biktimang si Police Major Emerson Palomares, 30-anyos, commander ng 125 SAC, FSB Special Action Force.

Kaagad naman naaresto ang suspek na si Police Master Sgt. Sanwright Lobhoy, 41, miyembro rin ng SAF. Nabatid na alas-4:40 nang hapon nang maganap ang insidente sa loob ng kampo ng pulisya. Lumalabas sa imbestigasyon, pinagalitan umano ng biktima ang kanyang tauhan dahilan na agad na ikinagalit ng huli hanggang sa magkasagutan umano ang dalawa.

Sa kasagsagan ng pagtatalo, bumunot ng baril ang suspek at pinagbabaril nito ang kanyang opisyal.

Patuloy pa rin nagsa-sagawa ng imbestigasyon ang pulisya at aalamin ang tunay na motibo at ugat nang kanilang pag-aaway na nauwi sa pagkamatay ng nasabing opisyal.

Samantala ang labi ng opisyal ay kasalukuyan nakalagak sa Loreto F­uneral Homes uspang i­sailalim sa awtopsya. (A­rmida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy