Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sadsad man sa gastos: Vice Ganda ‘di nanipa ng empleyado

0 85

Dahil masasabing ‘hair is life’ for Vice Ganda, ang plus one pala niya sa “It’s Showtime” studio ay ang kanyang hairstylist, pero dahil sadyang mabait at mapagmahal sa kanyang staff ang comedian-TV host, wala naman siyang tinatanggal sa kanyang Team Vice.

Puwedeng idahilan ni Vice ang COV ID-19 pandemic para magbawas ng mga tao, pero hindi niya ginagawa ‘yon kahit mas nagagastusan pa siya ngayon para i-maintain ang kanyang Team Vice.

Kuwento sa akin ng isa sa Team Vice, naka-quarantine raw sila sa townhouse ni Vice sa may Scout Madriñan, Quezon City. Kapag may trabaho raw si Vice, may trabaho rin siyempre sila.

Si Vice raw ang gumagastos para sa kanilang swab test para masiguradong lahat sila ay negative sa virus. Sa townhouse raw kasi nagpapaayos si Vice bago mag-report sa studio ng “It’s Showtime”.

Magastos daw ‘yon for Vice, pero hindi siya ‘yung tipong magle-let go ng kanyang mga tauhan para lang makatipid.

In fairness, ang bongga ng ugali ng dyowa ni Ion Perez, huh!

Pero kapag nakapag-advance taping naman ang “It’s Showtime” ng one week, nakakauwi rin daw sa kani-kanilang bahay ang mga miyembro ng Team Vice.

“Like now, after ng taping ng ‘It’s Showtime’ last Saturday at wala rin namang trabaho si Vice, nakauwi. Bale yesterday (Wednesday) lang kami bumalik uli sa townhouse kasi need namin mag-quarantine ng five days kasi sa Monday, live na uli ang show at may taping din.

“So, nagpa-swab test na naman kami at gastos ni Vice ‘yon,” sabi pa ng kausap ko.

Sa third week naman daw ng buwan na ito magre-resume ng taping si Vice for “Everybody, Sing!” show niya na dapat ay nag-pilot telecast na noong March 15, 2020, pero dahil nga sa lockdown, hindi ‘yon itinuloy ng ABS-CBN management.

Excited na raw si Vice na mag-taping uli para sa bagong show na ‘yon na kapalit ng “Ganda Gabi Vice” niya na nag-end last year.

 

Cast unti-unting pinapatay:

‘Ang Probinsyano’ malapit nang magwakas

May nagtsika sa akin na may isang character na naman daw sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ang magpapaalam na sa series. Pinatay na raw sa isang eksena ang nasabing artista.

So, isa-isang pinapatay na ang mga character sa action series ni Coco Martin dahil totoo na ba ang tsikang malapit na silang magtapos?

Tama ba na kapag natapos ang lock-in taping nila ngayong May, may isa o dalawang lock-in taping na lang sila bago tuluyang mag-goodbye sa ere ang “FPJ’s Ang Probinsyano”?

Paaabutin pa ba ang action series hanggang 6th anniversary nila sa September o tatapusin na sila ng mas maaga?

Well, wait na lang natin ang official announcement ng Kapamilya Network!

Leave A Reply

Your email address will not be published.