Una sa Balita

Sabwatan ng power plants, huhubaran

By
0 2

Tatalupan ngayon ng Senado kung nagkaroon ng sabwatan sa sabayang shutdown ng mga planta ng kuryente sa Luzon kamakailan.

Kinumpirma ni Sen. Sherwin Gatchalian, chair ng senate committee on energy, ang pagpapatawag niya sa mga pinuno ng walong ahensiya ng gobyerno na konektado sa enerhiya, mga opisyal ng 14 na generation companies, transmission company, tatlong distribution company kabilang na ang Manila Electric Company, at isang supply association.

Sentro ng im­bestigasyon ng komite ang shutdown ng anim na power plant sa Luzon upang madetermina kung sinadya ito para maitaas ang presyo ng kur­yente sa merkado.