Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sabungero tigok sa tari

0 108

Todas ang isang sabungero matapos pumiglas ang ilalarga niyang manok at mahiwa ng tari ang kanyang hita sa loob ng isang sabungan sa Tagkawayan, Quezon noong Linggo ng hapon.

Kinilala ng Tagkawayan police ang biktima na si Ronnel Nator, 47 tubong Zambonga City at nakatira sa Brgy. Candalapdap, Tagkawayan

Nasa loob na ng arena ang biktima at bibitawan na nito ang manok nang bigla itong pumiglas at aksidente siyang tinamaan ng tari sa kanang hita.

Isinugod sa Ma. L Eleazar General Hospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival dahil sa pagkaubos umano ng dugo. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.