Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sabungero pinili malunod kesa makulong

0 239

NAKALIGTAS man sa kamay ng mga umarestong awtoridad pero hindi sa nag-aabang na karit ni kamatayan nang nalunod ang isang sabungero matapos na tumalon sa ilog sa Tanza, Cavite Linggo ng umaga.

Isinugod pa sa ospital ang biktimang si Mark Madla y Ortiz alyas Macmac nasa wastong edad subalit idineklara ring dead on arrival.

Sa ulat ni Corporal Franz Marione Zorilla, ng Tanza Police Station, alas-10:00 kamakalawa ng umaga nang isagawa ang operasyon kontra tupada ng mga intel operatives ng Cavite PPO sa Brgy Tres Cruses, Tanza, Cavite kung saan natakbuhan ang mga sabungero.

Bagama’t may naarestong 7 mananabong kabilang ang 57-anyos na retired army, pinili ng biktima na tumakbo at dumaan sa ilog malapit sa lugar subalit nalunod umano ito.

Iniahon ng mga rescuer ang biktima at isinugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Narekober sa lugar ang P2,200 pusta, 2 sasabunging manok at apat na tari. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.