Una sa Balita

Sabong stars sa WSC ngayon

0 1,052

MAY libong sabungero ang pipila sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City sa pagbubukas ng 2019 World Slasher Cup 2 Invitational 9-Cock Derby ngayon, Lunes.

May 100 local at international sabong stars ang aakyat sa ruweda para sa 2-cock elimination round at panibagong 100 bukas.

Mga isponsor ang Pitgames Media Inc.,Thunderbird, Emperador, TV5’s “All New Tukaan”, ABS-CBN Action + Sports, “Sagupaan,” “Sabong Nation”, “Sabong Pilipinas”, “Bakbakan Na TV”, The Sabong Chronicles, Journal Group, Pilipino Mirror, Saksi Ngayon at Diaryo Bomba.

Isusunod ang 3 -cock semifinals sa May 29 at 30.

Sa mga iiskor ng 2, 2.5, 3 at 3.5 points, sa Mayo 31 ang 4-cock finals habang ang mga magtatala ng 4, 4.5 at 5 pts. ay June 2 ang 4-cock grand finals.

Kilala ring “Olympics of sabong” ang WSC 2 na may mahirap na format na rito’y masusubok kahit mga beterano, ani PMI. CEO Manny Berbano, na sasali rin kasama si Doc Ayong Lorenzo.

Liyamado ang mga WSC champ gaya nina sabong idol Patrick Antonio, Frank Berin, vice mayor Jubee Navarro, Rey Briones, Nene Araneta, Peping Ricafort, Joey Sy, Noel Jarin, Dicky Lim, Biboy Enriquez, Ito Ynares, Anthony Lim, Vergil Intino, Lawrence Wacnang, Art de Castro, Magno Lim, Ed Apari, Honey Yu, Joey delos Santos at Rikki Reyes.

Manunurpresa ang mga sumisikat na sultador na sina Rey Canedo, Cris Sioson, James Uy, Mel Lim, Roel Gatchalian, Marc Cruz, Kenneth Liao, Gerry Escalona, Marvin Perez, Rey Morla, Jojo Gatlabayan, Jess Moradas, Atty. Arcal Astorga, Wilvin Sy, Alwynn Sy, Ramil Capistrano, Julio Vinluan, Rene Adao, Boody Buenaventura, Ed Ochoa, Rep. Gerry Espina at lady cockers Robie Yu at Osang dela Cruz.

Sa iba pang mga detalye: 588-4000 local 8227, o 911-2928. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy