Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sabong On Air/Riper kampeon sa 4-Cock

0 88

PINUPOG ng mga manok ng “Sabong On Air/Riper” ang mga nakatunggali upang tanghaling kampeon sa katatapos na Hagibis TV 4-Cock Derby na ginanap sa Riper Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Laguna nitong Huwebes.

Combined entry ito nina Ka Rex Cayanong at Richard Perez, umiskor ang kanilang panlaban ng malinis na apat na puntos, tinalo nila ang entries na Gallmantis, Horizon, Team Tabuk Butchoy at B- Swing Daragasa.

Pangalawang sunod na kampeonato na ito ng kombinasyong Riper at Sabong On Air, una sa WPC 6-Cock Derby na ginanap sa New Antipolo Coliseum at pangalawa ang nasabing derby na binitawan sa isa sa magagandang sabungan sa Laguna, ang Riper Sports Mega Cockpit idahil sa mga VIP room na malalamig.

Malaking bagay ang naitulong nina Jun Robio (handler) at Ian Avila (assistant) sa panalo ng Sabong On Air/RIper habang si Jimboy Simbahan ang Staff Ripers Sports.

Samantala, sa June 16, ilalarga naman ang 6-Cock Derby Sabong On Air na bibitawan din sa ruweda ng Riper Sports Cockpit.

Inaasahang dadagsain ng mga tigasing breeder at sabungero ang pa-derby ni Cayanong kaya muling magandang labanan na naman ang masisilayan sa ruweda. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.