Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sablay ni Duque patong-patong

0 250

Halos magkakasunod na ang mga sablay sa pamumuno ni Secretary Francisco Duque III sa Department of Health (DOH) ngayong patuloy na nahaharap ang bansa sa pandemya ng COVID-19.

Bukod sa hindi umano maayos na paggastos ng P67 bilyong pondo na naunang sinita ng Commission on Audit (COA), kinuwestiyon pa ng mga state auditor ang DOH matapos na matuklasang may P59 bilyong halaga ang binuro o hindi ginamit sa kanilang budget noong 2020.

Batay sa COA report, natuklasang may mga unobligated allotment at unpaid obligations umano na nagkakahalaga ng mahigit P24.6 bilyon at higit P34.4 bilyon, hanggang Disyembre 31, 2020 ang DOH.

Ayon sa COA, ang nasabing pondo ay dapat na ginamit sana upang palakasin ang healthcare system sa bansa sa gitna ng kinakaharap na pandemya.

Base sa kalakaran, ang hindi nagamit na pondo ay ibabalik sa National Treasury.

“These billions-worth of public funds could have saved many lives if only these were translated into meaningful programs during the national emergency,” giit ng COA.

Binigyang-diin ng COA na ang kabiguan ng DOH na gastusin ang kanilang budget ay naging sanhi ng pagkakaroon ng mga problema sa procurement processes at late downloading ng mga pondo sa mga health center at iba pang operating unit.

“These funds that remained idle at year-end were not translated to much needed health supplies, equipment and services that could have benefitted both the health workers and the general public during critical times of the pandemic,” dagdag pa ng COA. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.