Una sa Balita

Sablay na SSS online registration inupakan

By
0 1,383

Binakbakan ng isang kongresista ang ng Social Security System (SSS) dahil sa pagpapatupad ng enhanced contribution collection system (EHCS) kahit tila wala umanong sapat na pag-aaral para masigurong ito ay ‘hassle-free’ sa 34 milyong miyembro.

Sa ilalim ng EHCS, ang registration para sa membership ng SSS ay puwede ng gawing online.

Ang mga miyembro ay bibigyan ng computer-generated Payment Refe­rence Number (PRN) bago makapagbayad ng kontribusyon.

Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Rep. Jericho Nograles, mainam sana ang proyektong ito kung nasa ayos ang lahat ng digital infrastructure gaya ng transmission, processing at storage ng lahat ng online registrations, gayundin ang pagbabayad at iba pang transaksyon.

Dahil ‘premature’ ang implementasyon, ibinabala ni Nograles na ang EHCS ay makakaistorbo sa galawan ng pagbaba­yad sa kontribusyon.

Magdudulot din umano ito ng pagkakaantala sa transaksyon sa pagitan ng SSS at mga mi­yembro nito.

Sobrang nakakadismaya aniya ang diskarteng ito dahil hindi naman pala umano kayang pangasiwaan ng maayos.

Iminungkahi ng solon na dapat ay opsyon pa rin ng SSS ang manual registration. (Aries Cano)