Una sa Balita

Sablay na security

By
0 1

Kulang ang seguridad sa Resorts World Manila base sa napanood na CCTV footage ng National Capital Region Police Office (NCRPO) noong mangyari ang pag-atake ng nag-iisang gunman nitong Biyernes ng madaling araw.     

Ayon kay NCRPO chief Director Oscar Albayalde, sinisilip na nila ngayon ang security lapses ng RWM, gayundin ang kakulangan ng security measures para i-contain ang mga katulad na insidente.

Iminungkahi ni Albayalde sa pamunuan ng hotel-casino na repasuhin ang kanilang  security protocol.

“Base nga po sa nakita natin sa CCTV footage, yung reaction ng security sa insidente, nakita po natin na may kakulangan at i think they have to revisit talaga yung kanilang security protocols na kanilang ipinatutupad sa establishment na iyon,” ani Albayalde.      

“Duon lang sa pagrereport, kung kailan nireport probably, at yung delay ng pagrereport, yung pagbabantay dun sa gate, sa mismong pasukan ay sisiyasatin po natin yan. Alam naman po natin sa casino ang dami daming security dyan, pati internal security,meron pang parang buoncer nila kung bakit wala pong maski ilan o isa ay wala pong nakapagpigil man lang na pumasok pa ang suspek sa loob ng casino,” dagdag pa ng opisyal.     

Sarado ang RWM sa loob ng isang linggo bilang pakikiramay sa mga nasaktan at nasawi.