Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sabik mag-aral, musmos wagas ang ngiti sa birth certificate

0 11

Matapos ang mahigit isang taon na paghi­hintay, matutupad na rin ang pangarap ng isang 8-anyos na ba­bae na makapag-aral nang makuha niya ang kanyang birth certifi­cate na magpapadali sa kanyang pag-enroll.

Nabatid na Oktubre pa ng nakaraang taon nang inaplay ang birth certificate ng batang lansangan na si Angel pero nito lang Setyembre 6, 2021 niya ito nakuha.

Ang katuwang ni Angel sa pagkamit ng birth certificate ay ang Popburri, isang ice cream shop sa Quezon City, na ginawang shel­ter for the homeless noong pandemya kung saan pinatuloy nila ang mga taong walang matirhan, kabilang si Angel at pamilya nito matapos silang palaya­sin sa kanilang tinu­tuluyang bahay noong kasagsagan ng health crisis.

Sa isang larawan na pinost ng Popburri sa Facebook, makikita ang wagas na ngiti ng bata nang makuha ang dokumento. Nabatid na ie-enroll si Angel sa kindergarten.

“Hello po! Salamat po sa pagmensahe n’yo. God bless you!” sambit pa ng bata para sa mga Pinoy netizen.

Bukod kay Angel, tinulungan din umano ng nabatid na homeless shelter ang kanyang ama na makapagtraba­ho. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.