Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sabak ulit sa rapid test: Kathryn Bernardo COVID free

0 419

Kaloka ang buhay ngayon, lalo na ng mga artista, ha! Na kahit nakapagpa-rapid test na sila, kailangan nilang ulit-ulitin `yon, depende sa araw, oras na umalis ka ng bahay, at nagpunta sa kung saan man na destinasyon mo, mapa-trabaho man `yan, o may kinalaman sa beauty sa pagpapaganda mo.

In short, sa bawat lugar na papasukin mo, lalo na kung mga prominenteng tao ang nandoon, o madalas na naglalagi roon, obligado kang sumalang nang sumalang sa rapid test.

Bukod pa riyan ang mga protocol na pag-check ng temperatura ng katawan mo, pag-apak sa mga disinfectant na rags, at maya’t maya na paghuhugas ng mga kamay o pag-a-alcohol.

Your email address will not be published.