Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sabak agad sa mga sikat na photog sa US: Rabiya Mateo sunod-sunod pasabog sa Miss Universe

0 65

Hindi pa man opisyal na nagsisimula ang Miss Universe 2020, sabak agad sa sangkatutak na photo shoot, pictorial, interview si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Ang bongga nga ni Rabiya na nauna siyang dumating sa Amerika (Los Angeles), kaya naman nauna rin siyang magpasabog, magpaandar sa mga photo shoot.

Nakapag-photo shoot na si Rabiya sa isa sa mga sponsor ng Miss Universe ang O Skin Care & Luxury Spa, na pag-aari ni Miss Olivia Quido

Ang latest nga ay nag-photo shoot din siya sa sikat na photographer sa Amerika, si Filbert Kung. Makikita nga si Rabiya sa IG story niya na suot ang terno na may kulay pula, asul, puti, na animo ay bandila ng Pilipinas.

Siyempre, lalong lumutang ang kagandahan ni Rabiya sa suot niyang makulay.

Anyway, mababasa nga sa mga supporter ni Rabiya, na kung ang ibang kandidata sa Miss Universe ay bitbit ang mahigit 150 na gown, at mamahaling mga sapatos, si Rabiya raw ay ganda at talino ang dala.

Pero siyempre, bukod sa ganda at talino, bitbit ni Pia ang suporta ng mga Pilipino, lalo na ng mga Pinoy designer na nag-ambag talaga ng mga creation nila para kay Rabiya.

Maine pinagtanggol ni Ciara sa mga batikos

Pinagtanggol ni Ciara Sotto si Maine Mendoza tungkol sa mga lumabas na tweet nito, mahigit isang dekada na ang nakalipas. Sa mga naturang tweet nga ni Maine ay nasagasaan niya ang mga bading, at ibang mga sikat na artista sa Hollywood.

Sa hindi malamang dahilan, bigla ngang naglabasan ang mga tweet na `yon, na nahalungkat talaga ng ibang netizen, kesehodang 2009 pa `yon.

Humingi na ng paumanhin si Maine sa mga tweet niyang `yon, na sabi nga ay pagkakamali, at dala na rin ng kabataan niya.

Pero siyempre, hindi siya pinabayaan ng mga taong nakakakilala talaga sa kanya, tulad ni Ciara Sotto, na kapatid nga ang turing sa kanya. Sunod-sunod ang mga tweet nito patungkol sa mga nambabatikos kay Maine.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“You are not defined by your past mistakes. Whatever you’ve been through doesn’t have to be the end of you. You are valuable and irreplaceable. And I love you!!!

“All of us have mistakes in the past that we regret, especially when we were younger… Being a celebrity doesn’t mean we are not allowed to make those mistakes… We are human just like you.

“Stop the hate. Be kind to others and to yourself,” sabi pa ni Ciara.

Well…

Juday suportado kabaliwan ng anak sa BTS

Tulad ng ibang mga celebrity, unti-unti na ring ‘nababaliw’ ang anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa sikat na K-pop group na BTS. Mapapanood nga sa Instagram story ni Juday kung paano tumili ang anak niyang babae dahil sa naturang Korean group.

“Ladies ang gentlemen, paunit-unti na pong nababaliw ang anak namin,” natatawang sabi ni Juday.

“Go lang nak! Support kami diyan!” sabi pa rin ni Juday.

Anyway, sobrang busy nga si Juday kahit Linggo para sa Sunday Market Live. Imagine, maaga talaga siyang gumigising, as in, inuunahan pa niya ang pagsikat ng araw, para magluto ng iba’t ibang putahe.

Mula almusal na lugaw, white champorado, sweet soy bangus belly, adobo, at marami pang iba, nga ang niluluto ni Juday.

Kaya sa tingin ko, kahit ialok kay Juday ang teleseryeng binase sa Doctor Foster o Koren version na The World of the Married, baka mahirapan siyang magdesisyon, dahil kahit nasa loob nga ng bahay, sobrang busy na siya, kumikita ang negosyo nila, na hindi nga niya kailangang mag-lock in taping, iwanan ang mga anak, at matakot sab anta ng Coronavirus.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.