Una sa Balita

Saan pupulutin ang Gilas ‘Pinas?

0 670

WHAT’S next sa Gilas?

Napakainit ng social media at sari-saring pamba-bash ang inaabot ng Gilas Pilipinas, na hindi man lang nakakuha ng kahit isang panalo sa group stage at sa classification round sa limang salang sa FIBA World Cup 2019 sa China.

Pinakahuling talong sinapit ng Philippine team sa kamay ng Olympic-bound Iran, 95-75.

Napagsarhan din tayo sa outright Olympic berth sa 2020 Tokyo Olympics dahil sa nakakadismayang performance sa China.

Pero ano ba ang sunod na kabanata sa Gilas Pilipinas?

Kung susundin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang mga suhestiyon ng mga netizen, unang nais ng mga ito na sipain na si naturalized big guy Andray Blatche.

Sabi ng mga uruterong ‘keybaord warrior’ sa social media, matanda, mabagal, wala sa kondisyon at parang tianatamad at pilit ang laro ni Blatche.

Labis din umano ang exposure na nakukuha ni Kiefer Ravena, na mula sa isa’t kalahating taong suspensiyon ng FIBA dahil sa pagpositibo sa banned substance ay hindi rin impresibo ang laro.

Overhyped, overrated at masyado umanong pinapaboran ni coach Yeng Guiao kumpara sa mas naaasahang sina Robert Bolick at CJ Perez.

Sa susunod na taon ay dadaaan sa butas ng karayom ang Gilas sa ilang Olympic Qualifying Tournament.

Ngayon pa lang, dapat pag-isipan na ng SBP ang sunod nilang hakbangin upang mas matuwa naman ang mga Pinoy, na adik sa basketball, sa susunod na performance ng ating National squad.

Sa panig ko, salamat pa rin at saludo ako sa ating Gilas Pilipinas, hindi na ako makikisawsaw sa mga naninisi at nagtuturo sa pangit na pakita ng ating koponan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy