Una sa Balita

Saan mapapadpad si LeBron?

By
0 1,456

Sa ikalawang sunod na taon, walang championship parade para kay Le­Bron James at sa Cleveland Cavaliers.

Wala ring banner ceremony, walang tatanggaping ring.

Winalis sila ng Golden State Warriors sa NBA Finals, 4-0, huli ang nakakadismayang 108-85 loss sa Game 4 ­kahapon lang.

Posibleng ­huling pagsusuot na ni James ng Cavaliers uniform ang Game 4. Pero walang makapagsabi kung saan siya pupunta.

Houston at Los Angeles ang mga madalas mabanggit na susunod na destinasyon ni James. Pero nasa Western Conference ang Rockets at Lakers, mapapaaga ang pagtatagpo nila ng Warriors sa playoffs.

Matunog din ang Philadelphia para makipagtambalan kina Ben Simmons at Joel Embiid. Pero magulo pa sa organi­sasyon ng Sixers matapos mag-resign ilang araw lang ang nakakaraan ni ­dating general manager ­Bryan Colangelo dahil sa Twitter scandal.

Babalik kaya siya sa Miami para makatambal muli si Dwyane Wade?