Una sa Balita

Sa wakas! Plaka ng sasakyan makukuha na

By
0 1,071

SINIMULAN na kaha­pon ng Department of Transportation at ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-release ng mga license plate para sa mga may-ari ng sasakyan na nagrehistro noong Huly­o 2016.

Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, maa­aring kunin ang plaka sa mga Authorized District Office (ADO) o sa mga car dealer.

Pinayuhan ni Galvante ang mga moto­rista na kukuha ng car plates na ihanda ang kanilang original certi­ficate of registration at magdala ng valid ID.

Kung representative ang kukuha ay kaila­ngan ng authorization letter mula sa may-ari ng sasakyan, valid ID ng may-ari, valid ID ng representative at original certificate of registration.

Sa mga nasa ilalim ng car loan ang sasak­yan, kailangang magdala ng bank certificate na nagpapatunay na ang original certificate of registration ay nasa bangko, photocopy ng ID ng bank employee na pumirma sa certificate at valid ID ng may-ari.

Kung korporasyon na­man ay kailangan ng certificate na nagpapatunay na inaawtorisa na kunin ang car plate at mga valid ID.

Sinabi ni Galvante na first batch pa lamang ang kanilang ipamama­hagi at inaasahang magtutuloy tuloy na ito dahil na rin sa mayroon nang pagawaan ng car plate ang LTO.

Upang hindi magkaroon ng kalituhan, pinapayuhan ng LTO ang mga motorista na makipag-ugnayan muna sa kanilang mga car dealer.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More