Una sa Balita

Sa wakas: DOH, FDA kumilos vs vape

0 331

MAGSASAGAWA ng ­pulong ngayong araw ang Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) para sa gaga­wing pag-regulate sa vape o e-cigarettes, kasunod ng pagkasugat ng isang 17-anyos na binatilyo na nasabugan sa bibig gamit ito noong Oktubre 30.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, ang FDA ang nagre-regulate sa mga natu­rang produkto bilang medical products dahil sa taglay nitong nikotina.

Pero hanggang sa ngayon ay wala pang device o e-liquid na rehistrado o napag-aralan ng FDA para alamin ang kaligtasan, efficacy at ­kalidad nito.

Una nang sinabi ni Duque na iniimbestigahan na nila ang naturang insidente upang matukoy ang tunay na dahilan ng naturang pagsabog ng vape at kung paano nire-regulate ang paggamit nito.

Nananatili pa rin sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Jeffrey Sardea, 17, ng Quezon City na nasa­bugan ng vape equipment sa bibig matapos umanong makipag-swap ng baterya nito sa isang kakilala sa social media.

Kasabay nito ay pinaalalahanan ng DOH ang publiko na maging vigilante sa pagbili ng mga produkto sa internet tulad ng e-cigarettes at vaping devices, na battery-operated.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy