Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sa wakas! Ara Mina pakakasal na kay Dave Almarinez

0 175

Sa wakas, engaged na si Ara Mina sa kanyang boyfriend na si Dave Almarinez. Naganap ang proposal noong January 12 sa Laguna.

“And it’s official! @therealaramina is now engaged! Congratulations Dave and Ara! Sooooo happy to be part of this beautiful moment,” caption pa ng Nice Print Photo sa kanilang Instagram.

Sa Facebook post naman: “They’re engaged! Congratulations @therealaramina and Dave Almarinez. This most beautiful moment, priceless.”

Nasa background nina Ara at Dave ang words na “Will You Marry Me?” habang pinapakita nila ang bonggang engagement ring.

Naiyak si Ara habanh sinusuot ni Dave ang singsing sa kanya.

Si Dave ay president and CEO of the Philippine International Trading Corporation (PITC), with the rank of undersecretary. He also served as a provincial board member of Laguna.

Low-key ang relasyon nina Ara at Dave. Halos isekreto nga nila ang kanilang relasyon. Nataon na walang masyadong public appearances ang dalawa dahil nagkaroon ng pandemic. Kaya walang mga big events na magkasama sila.

Huling karelasyon ni Ara ay si Patrick Meneses kung kanino meron siyang six-year-old daughter na si Amanda Gabrielle. (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.