Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sa ‘Star Magic Ball’ lang magaling: Mga Kapamilya artist dinedma ang rally

0 1,366

Makikita sa Instagram story ni Angel Locsin ang mensahe ni Arden Rod Cruz, ang direktor ng pelikulang John Denver Trending, na patutsada sa mga artista ng ABS-CBN na hindi man lang nag-abala na lumabas ng bahay nila para samahan ang mga Kapamilyang empleyado na nawalan ng trabaho.

“Sino-sinong mga artista ang ‘di man lang nagpakita ng suporta sa ABS-CBN ngayon? Kung Star Magic Ball ‘to kanina pa kayo nagsilabasan.”

Well, totoo naman `yan, dahil ang inaasahan ng lahat ng pagsasama-sama ng mga Kapamilya star para ipakita na solido at buo ang puwersa nila ay hindi nangyari.

Imagine, sina Piolo Pascual, Kathryn Bernardo, Angel Locsin, Vice Ganda, Ion Perez, Karla Estrada, Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, Nikki Valdez, Gerald Anderson, lang ang nasilayan ng mga netizen sa rally na `yon na ginanap sa harap ng Kongreso, at pati na sa compound mismo ng ABS-CBN.

Well, mapapatawad mo ang mga artistang nagti-taping ngayon ng mga teleserye nila tulad ng Ang Probinsyano, Love Thy Woman, at iba pa, dahil hindi nga sila basta-basta puwedeng lumabas, at may sinusunod silang protocol.

Ganun din naman ang ibang artista na sasabak sa taping sa susunod na linggo, dahil kailangan nilang mag-quarantine ng 14 araw, bago sila sumabak sa harap ng kamera, o mag-lock in.

Pero `yung mga artista na wala namang ginagawa sa bahay nila, na mas madalas ay nakikita natin noon sa mga Star Magic Ball na abala sa pagpapaganda, ano na ang nangyari?

Well, kaya saludo ang mga Kapamilya fan kay Kathryn na dumayo pa sa Kongreso, sumabak sa init ng araw, alikabok sa paligid, at itinaya ang kalusugan dahil sa rami ng tao sa paligid, para iparamdam ang kanyang suporta. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.