Una sa Balita

Sa sobrang buryong: Jinggoy nagpakontes, namigay ng datung sa mga fan

0 843

Hindi sanay si former Sen. Jinggoy Estrada na nakatengga sa bahay kaya bagot na bagot na ito. Wala naman siyang magawa kundi manahimik lang sa bahay kasama ang pamilya.

Noong isang gabi ay naisipan ni Jinggoy na mag-live sa Facebook at makipagtsikahan sa mga kaibigan at supporter niya. Lahat ng tanong ng mga netizen ay sinagot niya.

Hanggang sa naisipan niyang mag-contest, magpahula ng mga kaganapan sa buhay niya bilang artista at politiko. Siyempre may kaukulang cash prize, kaya marami talaga ang nag-join.

Napakasaya ng interaction at humiling ang marami na sana gawin ito ni Jinggoy ng madalas para malibang sila.

Ang maganda pa ay hindi lang mga Pinoy sa Pilipinas ang tumutok kundi mga OFW natin mula sa iba’t ibang panig ng mundo. (Joe Barrameda)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More