Una sa Balita

Sa pagtabla ng ABS-CBN franchise Duterte ‘di naghihiganti!

0 1,064

Itinanggi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na isang political vendetta, ang pagharang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa rènewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Ito ay matapos sabihin ng nakadetineng si Senator Leila de Lima na ang pag-atake sa ABS-CBN ay bahagi ng pag-atake ng administrasyon laban sa mga media outlet, opposition leader, at organisasyon na kumokontra kay Duterte.
Itinanggi pa ni Panelo ang alegasyon na si Duterte ay nambu- bully at nanakot ng mga newsgroup.

“Si President, kung political vendetta ‘yan eh di sana napatay niya yung mga kalaban niya, yung naninira sa kanya. Ni isa wala nga siyang nademanda,” ayon pa kay Panelo.

“Ang problema sa kanila, gagawa sila ng kalokohan, pag nademanda sila, meron namang probable cause as determined by the prosecutor na nag- imbestiga, as determine by the court, wala. Reklamo sila ng reklamo. Kung gusto nilang walang gulo sa kanilang buhay, a­yusin na lang nila ang buhay nila. Maging matapat sila bilang mga public servants,” ani Panelo.

Sinabi pa ni Panelo na depende lahat ‘yun kay Presidente kung lalagdaan niya sakaling payagan ng Kongreso na maka-pag-renew ang ABS-CBN ng prangkisa .

“Mahirap i-preempt natin ang desisyon ng isang tao. Ang mga kalakaran ang magtutulak sa Presidente kung aaprubahan yan o ive-veto niya,”dagdag pa ni Panelo.

(Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy