Una sa Balita

Sa pabilisan ng internet: SoKor telco lalaban sa China, PLDT-Smart at Globe

By
0 2,615

Isa pang kompan­ya mula sa South Korea ang interesadong makipagsabayan sa China Telecom, PLDT-Smart at Globe telecom para sa mas mabilis na internet service sa bansa.

Sa cabinet meeting noong Lunes, iniulat ni Department of Information and Communications Techno­logy (DICT) officer-in-charge Undersecretary Eliseo Mijares Rio kay Pangulong Duterte na interesado rin ang isang kompanya sa South Korea para ma­ging telecom partner sa Pilipinas.

“Nagkaroon po tayo ng cabinet meeting with the President, for the 21st cabinet mee­ting at kauna-unahang cabinet meeting for this year.

At nabanggit nga ng DICT acting Secretary Rio, na dala­wa ang so far interes­ted na maging third player sa telecommunications industry. Una, iyong China Telecom, plus iyong consortium na hindi pa ho nababanggit; at pangalawa pong nasa listahan ay iyong grupong PT&T at iyong kanilang partner na Korean telecom company,” pahayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Kaugnay nito, si­na­bi ni Andanar na inaapura na ni Pa­ngulong Duterte ang DICT para masimulan na bago mag-second quarter ng taon para maging competitive ang telecom industry sa bansa.

Sinabi pa ng Kalihim na may magandang ibinunga ang desisyon ng Pangulo na buksan sa third player ang telecom industry dahil nagkusa na ang Globe at Smart na maglalabas ng mala­king pondo para pagandahin ang kanilang internet service.

“We can really see that even just the announcement itself ay nahikayat po iyong dalawang telco giants na mag-invest ng pera para pagandahin pa iyong kanilang serbisyo. So, that itself is already a victory for the Filipino people,” dagdag ni Andanar.