Una sa Balita

Sa ngalan ng pag-ibig

0 377

Dear Abante:

Magandang araw sa lahat! Nakakagulat ang kasalang naganap kina Sarah Geronimo at Matteo Guidecilli at nang hindi alam ng magulang ni Sarah at nagkaroon pa ng pana­napak sa bodyguard.

Hindi ko alam ang mga totoong kuwento, kung ano ang dahilan ng kaguluhan. Malaking isyu na naman ito sa aking bayang sinilangang, alam mo naman pag tungkol sa artista ay nagkakagulo ang sambayanang Pilipinas, mas inaatupag pa nila ang problema ng artista kesa sa sarili nilang problema.

Nakakatawa isipin kung bakit ganito ang ating kababayan, naalala ninyo ba ang issue nina Gerald Anderson, Julia Barretto, Bea Alonzo at nadamay pa si Kim Chiu. Grabe nahati ang sambayanang Pilipinas sa pag-ghosting ni Gerald kay Julia, pati Senado nakisawsaw.

Ito na naman, AshMatt wedding issue malamang mahahati na naman ang mga Pilipino dahil sa usaping magulang, anak at tradisyon sa ating bansa sa pagpapakasal.

Mahirap kasi tanggapin na hindi kasama ang magulang sa kasal ng anak para sa Pilipino, maraming hindi makakaintindi o matatanggap, siyempre sasabihin nila na magulang ‘yon at hindi dapat balewalain ng anak. Sa totoo lang mahirap sabihin kung tama o mali ang kanilang ginawa sa ngalan ng pag-ibig at sila lang ang nakakaalam kung bakit nila ginawa ‘yon, at malaki na sila.
Bega Pors ng Tondo

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More