Una sa Balita

Sa loob ng 4 minuto Mapa ng ‘Pinas binili ng P46.72M

0 508

ANG mapa na naging basehan sa gina­wang paglilitis sa Hague Court proceedings upang maipanalo ang territorial integrity ng Western Philippine Seas ay naibenta na sa halagang P46.72 milyon sa loob ng apat na minuto.

Ang pinag-uusapan na 1734 mapa ng Las Yslas Filipinas ay naibenta ng P40 mil­yon (hindi kasama ang premium ng bumili ng 16.8%) sa The Magnificent September Auction ng Leon Gallery.

Ang mga mapa na nagpapatunay sa pagki-claim ng West Philippine Seas ay isusubasta na rin.

Si John Silva na dating nagmamay-ari ng mga bihirang mga mapa ang nagsu­basta.

Nagsimulang magpalakpakan ang mga tao nang umabot sa P28 milyon ang bid ng lalaki.

Ang bahagi ng mapa ay tinawag na ‘Mother of all maps’. Ang kolektor ng mapa na si Jaime Laya ay tinukoy ito bilang ‘The holy grail of Philippine carto­g­raphy’.

Makabuluhan ang naturang mapa dahil ito ang naging basehan na ginamit sa paglilitis sa Hague Court upang maitaguyod ang teritoryal na integridad ng Western Philippine Seas. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy