Una sa Balita

Sa HK travel ban ‘Parang pinatay niyo ang mga OFW’

0 377

NAGSAMA-SAMA ang ilang mga mi­yembro ng grupong overseas Filipino workers (OFW) na tinawag nilang #StrandedPH upang himukin ang gobyerno na payagan silang makabalik sa Hong Kong.

Sa kasalukuyan, tanging ang Taiwan pa lamang ang bansa na binawi ang travel ban.

Karamihan ay nangangamba na ma-terminate ang kontrata o masisante ng kanilang employer sa Hong Kong kung hindi pa sila makabalik agad.

Si Tess Aquino na 23 taon nang namamalagi sa Hong Kong ay hindi maitago ang pagka-dismaya dahil sa takot na wala nang mabalikan na traba­ho.

“Nanganganib na ang aming traba­ho, parang pinatay niyo na rin ang mga OFWs na hindi na makabalik,” ani Aquino.

Si Rowena Lee na isa ring residente sa Hong Kong ay umuwi lamang nitong Enero para dumalo sa kasal ngunit naipit pa at pilit na nakikiusap na ga­wing exception ang mga residente at Filipino worker sa travel ban.

“Mas matindi pa sa virus kapag wala kang trabaho sa Pilipinas,” ito ang matigas niyang pahayag kung bakit mas pinipili ng ibang pinoy ang manirahan sa Hong Kong.

Sa apela ng iba’t ibang organisasyon sa Hong Kong mas maganda anila ang kalidad ng public health sa HK kung ikukumpara sa Pilipinas. (Deni Elois Gonzales)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More