Una sa Balita

Sa eleksyon 2022: Basta Marcos babanggain ko — Kris

0 515

Heto na naman si Kris. Matapos ngang manahimik eh heto’t nag-iingay na naman siya!

Ang latest nga eh etong mga mapag­larong isipan na tila ipinu-push si Kris Aquino na tumakbo sa pagka-Pangulo sa eleksyon 2022. Hoy, ‘di pa nga tapos ang botohan ngayong Mayo, advance kayo mag-isip?

Lately nga kasi ay andami niyang hanash sa Instagram na tila ba siya eh “nagbabagong-kulay” from “dilawan” to ano raw?

Meaning, malambot ang puso niya sa mga Duterte. Na aniya’y wala namang masamang tinapay sa kanya, o sinabing sobrang sama sa kanyang kuya Noy.

Of which nga, eh hindi matanggap ng mga “dilawan.” But Kris is Kris. You cannot stop her and her opinions.

Natanong nga siya na kaya ba niyang bumangga sa eleksyon against a Sara Duterte. Ang sagot niya:

“Ayoko pong upakan niya ako. Sorry ah, ito ‘yung honest. I don’t see myself in a position of going against her because I find the narrative so wrong.

“Maling-mali na kami ang pinag-aaway eh, kasi walang ugat. Kung tinanong niyo ako kung tatakbo ako kung Marcos ang tatakbo, bahala na si Batman, yes, isusugal ang lahat kung ‘yun ang kalaban.”

Hala, napasubo na ‘ata si Kris, naunahan pa niyang mag-announce si Sara! Hahaha!

Ganu’n ba talaga ka-hate ng mga Aquino ang mga Marcos na nagbabago ang ihip ng hangin kay Kris ‘pag ‘yon ang napag-uusapan?

So place your bets: Sara Duterte, Kris Aquino, or a Marcos for president!? Sino bang puwede sa mga Marcos (da­lawa sila)?

Hayyss…when showbiz and politics mixes…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy