Una sa Balita

Sa EDSA People Power 33rd anniv 32K trabaho regalo ng DOLE

By
0 394

BILANG bahagi ng pag­diriwang ng ika-33 ­anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, isang Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) job at business fair ang inihanda ng labor department sa Mandalu­yong City ngayon (Lunes) na magkakaloob ng 32,000 bagong trabaho sa mga job seeker.

Kasabay nito, hinikayat ni Dept. of Labor & Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III ang mga naghahanap ng trabaho upang makinabang sa 20,000 lokal at trabaho sa ibang bansa na inaalok ng 50 mga kalahok na mga employer at recruitment agency sa ikalawang palapag ng Activity Center ng Starmall sa EDSA-Shaw ngayong araw.

Sa inisyal na ulat mula sa Bureau of Local Employment (BLE), kabilang sa mga bakanteng posisyon na iniaalok ng local employers ay steelman, production machine operator, production workers, customer service representative, product promodizer, electrician, service crew, merchandiser, finishing mason, at plumbers.

Gayundin, sinabi ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na 12,000 job orders pa ang ihahandog ng 15 kalahok na recruitment agencies.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy