Una sa Balita

Sa banat kina Kris, Noynoy: Gretchen namumurong kasuhan ng cyber libel

By
0 3,332

Pagkatapos ng IG Live ni Gretchen Barretto na patungkol kay Kris Aquino ang na­ging topic niya at walang katapusang isyu tungkol sa sawsawan, mukhang wala siyang nakuhang simpatya mula sa netizens.

Ang “truth” na ibinulgar niya ay parang natapon lang sa kanyang mukha dahil sa naging reaksiyon ng mga netizen. Meron din namang nagtanggol sa kanya, pero, mas overpowering ang mga negative comments hurled against her.

Mas marami pa rin ang nakisimpatya kay Krissy na walang plano sigurong patulan siya.

Sa mga comments, na­ngibabaw ang mga salitang “You will never be a Cojuangco”, “Ayusin mo muna ang problema mo sa Nanay mo bago mo pakialam si Kris na masyadong nagmahal ng isang ina,” “Si Kris, kahit anak-mayaman na ay nagtatrabaho nang husto para sa kanyang mga anak, samantalang ikaw, inaasa mo lang sa pagiging kabit”, at kung ano-ano pa.

At tungkol naman sa na­ging isyu to a certain Alice, mas maraming nag-rationalize na mabuti nga ay tumulong pa si Kris kaysa tuluyang hindi ito nabayaran. O, normal na sa gobyerno natin ang magkaroon ng isang alternatibong plano para maayos ang problema.

Pati yung para raw sa Fi­lipino people ang ginagawa niyang ito at no to bullying siya ay mas marami ang napa-OMG kaysa sa purihin siya. The height of “tupperware power” nga raw ito.

Nabuksan tuloy ang isyu sa ginawa nilang pagtawa noon sa isang letter sender sa kanilang online charity work. Maging ang eksena sa RCBC Building na wala pa namang ebidensiya ay muling kumalat sa social media.

At ang hirit pa ng ibang netizens ay napaka-insensitive naman daw ni Greta na magdadaldal ng ganito sa panahong nasa gitna ng laban ng kalusugan para sa kanyang mga anak si Kris.

Marami nga ang nag-uudyok kay Kris na idemanda si Gretchen. Lalo na sa mga masasakit na sinabi nito.

Tinawag nga raw ni Gretchen na abnoy si former President Noynoy Aquino. Pasok na pasok nga raw ang mga patama nito sa cyberlibel, ha! Yun na!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy