Una sa Balita

Sa Araw ng Kalayaan

0 523

Dear Editor,
Malapit na naman ang pagdiriwang ng “Kasarinlan ng Ating Bansa.”

Hindi ko mapigilan ang aking sarili na magbalik-tanaw sa mga kaganapan sa Pilipinas na nagpapakita at sumusubok sa katatagan at kagitingan ng bawat Pilipino.

Di naman lingid sa karamihan ang resiliency ng mga pinoy sa panahon ng kalamidad at sakuna. Dito ay nabubuhay ang bayanihan at pagmamalasakit sa isat-isa. Sa kabilang banda, bakit nga ba sa tuwing ganitong pagkakataon lang tayo nagpapamalas ng pagmamalasakit sa ating kapwa?? Hindi ba natin kayang gawin at isabuhay ito sa pang araw-araw na pagkakataon???

Ano ba ang nagiging batayan ng isang tao na tunay na may pagmamahal hindi lang sa bayan pero pati na rin sa sambayanan? Sa totoo lang napakahirap sagutin ng bagay na ito.

Tuwina ay isang desisyon para sa bawat isa, ang pagtulong o pagmamahal sa bayan.

Sa panahon ngayon, mas pinipili ng karamihan na unahin ang kanilang sarili kesa sa bayan. Para bang iilan na lamang talaga at mabibilang sa daliri ang mga handang magsakripisyo para sa bansang Pilipinas.

Sa iilang pagkakataon ay taas noo tayo na ipagmalaki na tayo ay Pilipino. Lalo na kapag may laban si Pacquiao o di kaya naman ay may laban ng beauty pageant.

Hindi ko binabalewala at isinasantabi ang mga pagkakataong ito. Pero sana maging makabayan tayo sa totoong kahulugan nito at hindi lang sa piling pagkakataon.

Sa pag-gunita natin sa araw ng kalayaan, sana ay mapalaya rin natin ang ating mga sarili sa mga pansariling interes. Palayain natin ang ating mga sarili sa mga bagay at prinsipyo na tayo lang ang makikinabang. Palayain natin ang ating mga sarili sa konsepto na, ME, MYSELF, AND I at maging bukas ang kaisipan at puso na may greater purpose beyond ourselves.
Shermaine Anacleto

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy