Una sa Balita

Sa 6 buwan ng 2019 4.1M turista dumagsa sa PH

0 193

TRAVEL&LEISURE

Mas maraming turista ngayon ang namamas-yal sa dalampasigan ng Boracay, matapos makapagtala ang Department of Tourism (DoT) ng 11.43 porsyentong taas na bilang ng mga international tourist sa unang kalahating taon ng 2019 kumpara sa magkatulad ng panahon ng 2018.

Umabot sa kabuuang 4,133,050 international tourist ang naitala sa unang kalahati ng 2019 na bumisita sa Pilipinas, batay sa rekord ng DOT.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat nasira nila ang apat (4) na milyong marka sa loob ng unang 6 na buwan ng taon. Pitong taon na ang nakalilipas, nang makuha ng ahensiya ang apat na milyong bilang ng turista sa loob ng isang taon.

Ang industriya ng turismo sa Pilipinas ay tunay na nakarating sa mas mahusay at tumaas na koneksyon. Ang bago, na na-rehab at pinalawak na mga paliparan ang nakatulong ng malaki sa paglago nito, sabi ni Puyat.

Sa pamamagitan aniya ng pagpapalawak ng koleksiyon ng mga produkto ng turismo, pagbuo at pagtataguyod sa mga mas maliit ngunit kilalang mga destinasyon, naakit ng DoT ang isang malaki ngunit magkakaibang hanay ng mga dayuhang manlalakbay at napapanatili ang paglaki ng highly-competitive South East Asian region.

Sa buwan ng Hunyo 2019, ang mga duma-ting na turista ay umabot sa 21.41 porsyento sa 643,780 na dumating kumpara sa 530,267 noong Hunyo 2018.

Patuloy na nangunguna sa merkado ay ang South Korea, sinundan ng China. Ang Estados Unido ang pumangatlo sa listahan, sumunod ang Japan at Taiwan.

Malugod din na tinanggap ng DoT ang desisyon ng Homeland Security ng US na alisin ang notice on travel sa NAIA kasunod ng “significant improvements” sa operasyon ng seguridad sa paliparan.

“With the recent development of the US Department of Homeland Security (DHS) to rescind its Public Advisory on security issues at NAIA, we can expect more travelers from the US to visit the Philippines in the coming months,” sabi pa ng Tourism chief. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy