Una sa Balita

Ryza namundok matapos ang hiwalayan kay Cholo

By
0 1,255

Lumalabas na nga ang mga balita o ispekulasyon na break na sina Ryza Cenon at Cholo Barretto. Lumabas ang balitang ito bago pa magpalit ang taon. Ang source ng mga haka-haka ay ang pag-a-unfollow sa isa’t isa nina Ryza at Cholo sa kanilang Instagram account.

Wala pang nagsasalita sa kanilang pareho, pero kahit wala pang pag-amin, meron nga raw ba naman na mag-jowa na nag-a-unfollow sa isa’t isa? At kahit na nagpalit na ang taon, unfollowed pa rin ang status nila, huh.

Nakakausap namin si Ryza at sa nakikita namin sa kanya, mas matatag na siya at mas alam na niya ang worth niya ngayon. Pero bilang respeto, hahayaan namin na siya ang magsalita kung ano man ang gusto niyang ibahagi – kung magsi-share nga siya. Pero ang sigurado kami, nang mag-birthday si Ryza sa Alegria ilang araw bago ang actual birthday niya, hindi namin nakita ang anino ni Cholo.

Sa isang hotel sinalubong ni Ryza ang 2019 kasama ang ilang kaibigan at mismong New Year’s day naman ay umakyat ito ng bundok sa Batangas.

Hindi man nagsasalita pa, pero kung pagbabasehan ang recent postings niya ngayong Bagong Taon, mase-sense na “single” na nga siya. Sey ni Ryza, “Ilang oras na lang!!! Another year ahead thank you sa naging part ng buhay ko simula day 1, sa mga nawala sa buhay ko na nag-iwan ng lessons sa akin at sa mga bago dumating at nakilala ko na nagbigay ng venture sa buhay ko. Happy New Year sa inyong lahat! Let’s write a new chapter this year yung masaya at challenging (yabang ko sa challenging) Pero kaya yan! Let’s do this!!!!”

At may pahabol itong post na quotes on relationship rules sabay caption nang, “Bwahahaha! Char!” na “I wish I could get a refund on all the love I’ve wasted on people.”
Hmmm…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy