Una sa Balita

Ryza mas gumanda, sumeksi nang mawalan ng dyowa

0 461

Kung ang ibang girl, chu-machaka kapag nakikipaghiwalay sa lalaki, na tipong super depressed kasi at idinadaan sa pagkukulong sa kuwarto, pag-inom ng alak, pagpapagupit ng buhok, ibang-iba naman ang epekto kay Ryza Cenon.

‘Di ba nga, kakahiwalay lang niya kay Pocholo Barretto (na balitang dyowa ngayon ni Angelica Panganiban). At ang feeling ng marami, magmumukhang super lungkot, mukhang kawawa si Ryza.

Pero, iba nga ang nakita ng mga fan niya, ha! Sa latest Instagram photo niya, super seksi, super saya, super gandang Ryza ang namasdan ng mga fan niya.

“Let it out and smile! Be happy as long as you can. #bts,” sabi ni Ryza sa photo niya, karugtong ang mga pa-hashtag na Glam Team Makeup: @vanessaestor, Hair: @brixbatalla, Studio: @sunny16lab, Photographer: @nikog-villegas @vanessaestor.

At kahit ang ‘nanay’ niya sa “The General’s Daughter” na si Eula Valdez ay tila namalik-mata at gandang-ganda kay Ryza.

“Bago ba ito? Payat ha!” tanong ni Eula.

“@eulavaldes opo now lang,” sagot ni Ryza.

“Tulak kita sa upuan mo!” pabirong say ni Eula.

“@eulavaldes love mo po talaga ko,” saad naman ni Ryza.

Anyway, mababasa nga sa IG niya ang lahat ng papuri kay Ryza. Na feeling nila, si Ryza ang Gal Gadot ng Pilipinas.
Well… (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy