Una sa Balita

Ryza ‘inggitera’ kay Jodi

By
0 1,804

Bet na bet ­pala ta­laga ni Ryza Cenon ang ­takbo ng career ni Jodi Sta. Maria dahil inspirasyon daw ito sa katulad ­niyang late bloomer ­pagdating sa kanyang ­movie career.

Para nga kay ­Ryza, napakalaking mo­ral booster sa katulad ­niya ang nangyari sa mo­vie career ni Jodi na kung kelan ito nagkaka­edad na ay saka naman ­bumongga ito.

Kaya, hindi nga raw siya nawawalan ng pag-asa, dahil who knows, baka bumongga rin ang kanyang movie career this time.

Sa edad niyang 30, ayon kay Ryza ay nga­yon lang siya naging lead sa isang mainstream movie care of Mr. & Mrs. Cruz ng ­Viva Films at Idea First Company.

Naging lead na rin siya noon sa pelikulang Manananggal ­pero ito ay isang ­indie movie.

Kaya peg niya talaga si Jodi, huh! Mukhang pati hairdo ay Jodi na Jodi rin ang dating niya, ­devah? At kahit ang pana­nalita, ha!

Nash sumabak na sa pagdidirek
Pagod nang umiyak

Direk’ na rin pala ang tawag nga­yon kay Nash Aguas na sa edad na 19 ay maituturing na isa sa pinaka-bagets na direktor ngayon sa ABS-CBN. Isa pang proyekto ang ipinagkatiwala sa kanya ng pamunuan ng Kapa­milya network tungkol sa kapapalabas pa lang na mobile series nito na may titulong Coffee Break.

Noon pa raw ay idea na ito ni Nash kaya nang banggitin niya sa kanyang mga kaibigan, ito ang mga na­ngulit na ilapit niya sa ABS-CBN, kaya nga raw nang magkaroon ng pagkaka­taon, iprinisinta niya ito at nagustuhan naman.

But since idea raw niya ito, siya na rin ang pinadirek at pinahanap ng cast kaya nga, sobrang happiness overload ang naramdaman niya dahil isa na namang pangarap niya ang natupad.

Kaya, mula sa pagiging isang mahusay na aktor sa The Good Son, tumatawid na ngayon si Nash sa pagiging isang direktor kung saan sana nga raw ay makadirek din siya ng isang teleserye o pelikula sa darating na araw.

Bakit naman hindi? Eh, talents overload din siya, noh!