Una sa Balita

Ryza gustong ipasagasa sa truck ng mga netizen

By
0 2,978

Most hated character na talaga si Ryza Cenon bilang si Georgia! Finally, magtatapos na ang isa sa pinaka-matagumpay na afternoon serye, ang Ika-6 Na Utos ngayong March at grabe ang galit ng netizens at viewers kay Ryza bilang si Georgia!

Ang wish nila, as in sila na ang nag-iisip ng ending, baka pwede raw ipasagasa sa truck, baka puwede raw mabaliw na nang tuluyan at mahulog sa bangin.

As in, morbid na ending talaga ang gusto nila sa karakter ni Ryza para matapos na raw ang kasamaan nito.  In fairness naman kasi, mismong kapatid at kaibigan niya sa kuwento, hindi na siya kinakaya.

So feeling namin dahil matagal na hinintay rin ng mga tagasubaybay ng serye ang pagtatapos kaya hayun, much-anticipated talaga nila ang kasamaan ni Ryza.

Dawn, Alice nagmakaawa na bigyan sila ng pelikula

Miss na miss na nga siguro ng mga aktres na sina Dawn Zulueta at Alice Dixson ang isa’t isa na magsama sa isang proyekto. Nung 90’s kasi ilang pelikula rin ang pinagsamahan nila.

Sina Dawn at Alice ang mga aktres na masasabing diyosa talaga pagdating sa kagandahan dahil proven na nila na kahit na nagkaedad at sa part nga ni Dawn, may dalawang anak pa ay napanatili nila ang looks, sexiness at gayundin ang pagiging aktres nila. In short, mga ageless beauty talaga.

Tila aksidenteng nagkita ang dalawa at nagpakuha ng picture at pareho pa nilang pinost sa kanilang Instagram account. Si Dawn, nag-post at nanawagan sa mga producer na baka naman daw gusto silang gawan ng project na dalawa.

Sey niya, “Someone, please get the 2 of us together for a project again… because gurlll, we have to stop meeting this way.”

Gayundin si Alice na nag-post ng picture nila ni Dawn. Parehong na-excite ang dalawa sa pagkikita lang nila, how much more pa nga kaya kung magkasama na sila sa isang proyekto.