Una sa Balita

Ryza certified Kapamilya na

‘Kinakabahan ako!’

By
0 4,306

Pumirma na ng kontrata ang Kapuso Star at Starstruck batch 2 Female Ultimate Survivor na si Ryza Cenon sa ABS-CBN. Twelve years din na ang GMA-7 lang ang nanatiling tahanan ni Ryza simula nang manalo siya sa StarStruck.

It was only last year na nagdesisyon itong hindi na mag-renew sa talent arm ng GMA-7 na GMA Artist Center at sa halip, pumirma si Ryza ng five year contract sa Viva.

Ang last project ni Ryza sa GMA ay ang very successful na Ika-6 Na Utos kaya madalas naming naririnig nu’ng nababalita pa lang na magiging Kapamilya na ito na sayang din daw at ang GMA talaga ang masasabing lumikha sa aktres. At kung kailan na talagang may napapatunayan na ito sa pagiging isang aktres.

Anyway, nakapalitan namin ng messages si Ryza at understandable na may nararamdaman siyang kaba dahil for the first time, bagong mundo sa kanya ang Kapamilya network. Naging maayos naman daw ang pagpaalam ni Ryza sa GMA-7. At sabi nga niya, she will be forever grateful sa network na pinanggalingan niya at naging daan kung ano siya ngayon.

Pinaubaya na raw ni Ryza sa Viva ang mga desisyon pagdating sa career niya at ang management na rin niya ang gumawa ng pakikipag-usap sa dalawang networks. Kaya Viva na rin ang nag-decide na subukan naman niya ngayon ang kabilang network. At the same time, excited na rin naman daw si Ryza na mag-explore pa sa mundo ng showbiz at makatrabaho ang iba’t ibang magaling na artista rin.

Although hindi pa nagsisimula, ang balita namin sa Ang Probinsyano muna unang mapapanood si Ryza bilang isang bagong Kapamilya.

Sunshine, Bea magkaribal sa lalake

Kung meron mula sa pagiging Kapuso ay naging Kapamilya, ang Kapamilya naman na si Sunshine Cruz ay muling bumabalik sa original din niyang network ngayon, ang Kapuso.

Actually, matagal-tagal na rin na­ming naririnig na lilipat si Sunshine sa GMA-7, pero mukhang nauudlot dahil in fairness sa ABS-CBN, ang gaganda rin naman ng mga nagawa niyang serye rito. So maybe now, mas nauna na ang offer ng GMA.

Nag-storycon na nga ang Karibal ko Ang Aking Ina ang bagong serye ng GMA kung saan mapapanood si Sunshine, kasama sina Zoren Legaspi, Bing Loyzaga at pagbibidahan nina Benjamin Alves, Bea Binene at David Licauco sa direksiyon ni Gil Tejada.

Actually, may naalala kaming serye dati ng GMA dahil sa title, pero parang sinagot naman agad sa post ni Benjamin ang tanong namin kung halos pareho ba ang tema sa Karibal Ko Ang Akin Ina ngayon. Sey kasi ni Benjamin sa Twitter post niya, “Can you guess the plot of our new show? Title doesn’t even begin to describe what we have in store for you.”

Maging ang director ay tila confident sa pagsasabing siguradong mahu-hook daw ang viewers sa nakaiintrigang istorya. Magkaribal sa lalake sina Bea at Sunshine?

Hmmm, let see…