Una sa Balita

Ryza best actress sa Osaka Int’l Filmfest

By
0 3,275

Kung sa Miss Universe ay hirap ang Pilipinas na i-achieve ang isang back-to-back win, aba, sa Osaka International Film Festival sa Japan ay chicken feed lang ito sa atin, noh!

Pinatunayan ni Ryza Cenon na kayang-kaya niyang i-duplicate ang achievement ni Iza Calzado bilang Most Brilliant Performance Award or Yakushi Pearl Award (o katumbas ng best actress).

Ang pelikulang Mr. and Mrs. Cruz na pinagtambalan nila ni JC Santos sa Viva Films ang nagbigay sa kanya ng karangalang ito. Sobrang nagalingan ang mga hurado sa maraming heavy scenes doon ni Ryza lalo na yung lasing na lasing ito with JC at emote nang emote.

Ayon nga sa iba, sa galing na ipinakita niya sa katatapos pa lang na Ika-6 Na Utos, at dito nga sa Mr. and Mrs. Cruz, Ryza is now considered as one of the actresses to beat.

Samantala, ang Pinoy director na si Mikhail Red naman ang nakakuha ng Most Promising Talent Award para sa pelikulang NeoManila.

Congrats! (Glenn Regondola)