Una sa Balita

Rustom Padilla mas type ng pamangkin kesa kay BB Gandanghari

By
0 39

Tito Rustom pa rin ang tawag ni Ivan Padilla kay Rustom Padilla na kilala na ngayon bilang si BB Gandanghari.

Matagal nang hindi nagkikita ang dalawa dahil US-based na si BB samantalang bumalik si Ivan sa Pilipinas para dito na manirahan.

Kung nangangarap si BB na magkaroon ng career sa Amerika, iba naman ang sitwasyon ng kanyang pamangkin na lumabas na sa mga US television series pero umuwi sa Pilipinas dahil sa pangarap  na magkaroon ng acting career sa sariling bansa.

“He’s good,” ang sagot ni Ivan nang kumustahin sa kanya ng entertainment press ang Tito Rustom niya. Ikinuwento ni Ivan na kahit nagkikita sila noon ni Rustom sa US, mas malapit siya sa isang side ng mga Padilla, kina Zsa Zsa at sa mga anak nito na sina Karylle at Zia.

Alessandra napagod kay Ivan Padilla

Si Ivan Padilla ang leading man ni Alessandra de Rossi sa 12, ang pelikula ng Viva Films na mapapanood sa mga sinehan sa November 8.

Personal choice ni Alessandra na maging kapareha sa 12 si Ivan na gumanap na commercial director-boyfriend ni Bela Padilla sa 100 Tula Para Kay Stella. Coincidentally, commercial director din ang role ni Ivan sa 12.

Natuwa si Ivan sa sinabi ni Alessandra na hindi nito itutuloy ang pelikula kung hindi ang Fil-Am ang makakatrabaho niya.

“Sabi ko kasi, kapag hindi si Ivan, hindi ko itutuloy itong project kasi puwede naman siyang itapon na lang.

“Nu’ng napagod na kami ni Direk Dondon (Santos) na maghanap ng leading man, sabi niya, ‘Gusto mo mag-post na ako sa Facebook or magpa-audition na lang tayo?’

“Sabi ko, game talaga ako, kahit baguhan. Kahit turuan natin kung paano siya gawin kesa­ kumuha tayo ng marunong na hindi mo na ma-bend  kasi galit na galit na siya sa sarili niya.

“So nag-message siya sa Facebook, ang da­ming sumagot, kahit mga artista na talagang ‘Ako Direk, willing ako’.

“Tinag yata siya (Ivan) ni Bianca Lapus, tapos nu’ng ipinakita sa akin ‘yung photo tapos ‘yung reel niya, sabi ko, may isang eksena sa YouTube, basta nag­lalakad lang siya sa isang hallway, parang umiiyak.

“Sabi ko, I found my actor, ito na talaga siya. Nu’ng mineet namin siya, parang perfect naman. So, ayun, hindi kami nagkamali at all. Umuwi kami ng bahay, pagod ako pero masaya ako kasi parang tama ‘yung pinili kong artista. May taste ako talaga,” ang pagbabalik-alaala ni Alessandra tungkol sa pagpili niya kay Ivan bilang kapareha sa 12.

Daniel Matsunaga hindi nagpatikim sa mga bading para sumikat

Daniel Matsunaga

Ipinagtapat ni Daniel Matsunaga na maraming beses na siyang naging biktima ng fake news pero iniiwasan niya na magpaapekto.

Kung maaapektuhan man siya, ito ay kapag idi­nadamay na sa fake news at bashing ang kanyang pamilya, lalo na ang nanay niya.

Nakausap namin si Daniel sa set ng Spirit of the Glass 2: The Haunted at dito niya ikinuwento na napakabait ng kanyang ina dahil ipinagdarasal nito ang lahat. Ipinakita ni Daniel sa amin ang mga araw-araw at maya’t maya na text message na natatanggap mula sa nanay niya na naninirahan sa Brazil.

“My mom, she just prays for everyone. Fake news, that’s not cool. People are not educated enough,” ani Daniel na 16 years old nang umalis sa Brazil para sa kanyang international modeling career pero sumusumpa na hindi siya naging biktima ng exploitation at pumatol sa mga indecent propo­sal, lalo na sa mga gays.

“Hindi naman, never naman. Siyempre, sa mode­ling world, may mga indecent stuff pero if you have good mentality, you know how to deal with those things. Ako, talagang wala, promise!

“If God is with you and if you have faith that He’s with you, everything you do, He’s the one providing. He’s the one leading you, I don’t think you will go to the wrong path,” ang pahayag ni Daniel na malaki at malalim ang pananampala­taya sa Panginoon.