Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Russia nagdeklara ng panalo

0 83

Sumuko na sa Russia ang nalalabing Ukrainian fighters na nakapako sa Azovstal steel plant para depensahan at hindi masakop ang Mariupol na kabisera ng Ukraine.

Dahil dito kung kaya’t idineklara ng Russia ang kanilang panalo sa Ukraine mula nang atakihin ng una ang huli noong Pebrero 24, 2022.

Ang nasabing planta ang nagsilbing huling kanlungan ng Ukrainian forces para mahadlangan ang mga Russo na tuluyang makubkob ang Mariupol.

Samantala, sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na may permiso ng kanilang military command ang pagsuko ng Ukrainian fighters na lisanin ang lugar para iligtas ang kanilang buhay.

Kasabay nito, itinigil ng Russia ang pagbibigay ng natural na gas sa Finland matapos ikagalit ng una ang pag-a-apply ng huli para ma­ging miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO). Kumukonsumo ang Finland ng walong porsiyento ng natural gas at karamihan dito ay mula sa Russia.

Leave A Reply

Your email address will not be published.