Una sa Balita

Russia inuga ng 7.8 magnitude quake

By
0 13

Inuga ng magnitude 7.8 na lindol ang eastern coast ng Russia, ayon sa US Geological Survey kaya agad na nagpalabas ng tsunami warning ang mga opisyal sa ilang bahagi ng Pacific.

Subalit tinanggal din ang babalang tsunami ng Pacific Tsunami Warning Center at nilinaw na walang inaasahang “destructive Pacific-wide tsunami” at idinagdag na walang banta sa Hawaii.

“Minor sea level fluctuations may occur in some coastal areas near the earthquake over the next few hours,” anang center.

Abante Hiring – IT dep

Ang lindol ay tumama dakong alas-11:34 ng umaga ng Martes (2334 GMT on Monday) sa layong 125 miles mula sa siyudad ng Nikolskoye on Bering island off the Kamchatka Peninsula.

Sa unang pagtaya, ang mga alon ay tataas ng may 0.3 meters (1 foot) sa ilang bahagi ng Russia at Hawaii, ayon sa tsunami authority.