Una sa Balita

Russell, Wiggins sa blockbuster trade

0 348

HINDI rin pinatagal ng Golden State Warriors sa kanilang kuwadra si D’Angelo Russell, makalipas ang apat na buwan sa unang season ay itrinade na ang guard.

Dumating si Russell sa Warriors noong July sa sign-and-trade deal na nagdala kay Kevin Durant sa Brooklyn.

On-off din ang laro ni Russell dahil minsan ay inaabot ng mga injury na maya’t maya ay kailangan niyang ipahinga. Hindi pa naglalaro sa season si Klay Thompson (ACL surger), si Stephen Curry ay nawala noong November (broken arm).

Bago ang trade deadline nitong Huwebes, lumutang ang pangalan ni Russell sa trading block.

Kinalabit ng Golden State ang gatilyo at naitapon si Russell sa Minnesota Timberwolves kapalit ni Andrew Wiggins, 2021 first-round pick (top three unprotected) at 2022 second-rounder.

Kasama ni Russell na nai-trade sina Omari Spellman at Jacob Evans.

Unang ini-report ni Adrian Wojnarowski ng ESPN ang trade, pinaka-blockbuster sa galawan nitong trade deadline.

Sa free agency ay hinabol na ng Wolves si Russell pero hindi natuloy dahil napunta ito sa Warriors.

Papasakan ni Russell ang butas sa point guard position ng Minnesota.
Magkakasama na rin sila ng kaibigan niyang si Karl-Anthony Towns na kelan lang ay isinapubliko ang pagkadismaya sa direksiyong tinatahak ng team.

Sa sobrang tuwa ni Towns na magiging teammate na ang kaibigan, nag-post ng picture ng No. 0 jersey ni Russell. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More