Una sa Balita

Russell dazzle

0 365

Isa sa mga masarap panoorin sa NBA ang eksplosibong guard ng Oklahoma City Thunder na si former Most Valuable Player (MVP) Russell Westbrook.

Kamakailan lang, tinabunan niya ang dating league record na pinakamaraming sunod-sunod na triple double (9) ni Wilt Chamberlain sa inilistang ika-11 kabit na triple ‘D’ laban sa New Orleans Pelicans.

Bukod rito, hinigitan niya rin si Hall of Fame point guard Gary Payton bilang all-time leading scorer ng Oklahoma (dating Seattle SuperSonics) sa parehong laban kontra Pelicans kung saan natalo sila 122-131.

Sa kasalukuyan, nakakulekta na ang 30-anyos na 6-foot-3 guard ng 18,247 career points para tabigin sa second place si Payton (18,208 career points)
Nasa ika-11 season na niya sa liga si Westbrook, na madalas naki-criticize dahil daw sa pagiging stats padder o ‘yung mas concern sa sariling game statistics kaysa maipanalo ang koponan sa mga laban.

Siyempre pa, itinanggi ito ni Westbrook.

Siguro, kung makakakakuha ng NBA crown si Westbrook, na hindi malayong mangyari dahil sa tulong ng isa pang superstar sa OKC na si Paul George, maaalis na ang tingin ng marami na buwakaw sa stats ang player.

Kasalukuyang No. 3 sa Western Confe­rence ang Oklahoma City Thunder (37-20) at naipanalo ang walo sa huli nilang 10 laban.

Kabuntot lang sila ng No. 2 Denver Nuggets na may 39-18 panalo-talo marka habang hindi pa rin natitibag sa No. 1 spot sa Western Conference ang defending back-to-back champions­ Golden State Warriors tangan ang 41-16 baraha.

Bahagi rin si Westbrook ng katatapos lamang na 2019 NBA All Star Game at ito ang kanyang ikawalong selection.

Sa lahat ng narating at gagawin pa ni Westbrook, aminado itong marami pa siyang dapat i-improve sa kanyang laro.

‘Yun ang nakakatakot, yung mas guma­ling pa si Westbrook dahil tiyak marami pa itong pahihirapan sa mga natitirang taon ng kanyang NBA career.

***

Muli po, binabati ko ang masisipag na mga guro ng Pacita Complex National High School sa San Pedro City sa Laguna na sina Maria Daisy Guillermo (Guidance Councilor), Catherine Gizelle S. Aveño (Assistant Gui­dance Councilor), Corazon C. Castillo (Guidance Teacher), Joana Prancies M. Salac (Filipino Teacher) at May-Ann S. Rivera (Araling Panlipunan Teacher).

***

Advance happy 36th birthday sa aking nag-iisa, pinakamamahal na misis, Vernadeth Santiago Delos Santos, sa darating na Pebrero 22.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy