Una sa Balita

Ruru umamin sa ‘Abantelliling’ na biktima ng pambu-bully

0 344

Umarangkada ang Abante TNT Live na pumatok nga nu’ng Monday at may pilot show na ‘Abantelliling’ na ibig sabihin ay Abante sugod sa balita, tel – walang inaatrasang telling, ling – pagdating sa chikahan super galing.

Unang sumalang sa Aban­telliling nina Abante Entertainment Editor Dondon Sermino at columnis­t Rey Pumaloy, si Kapuso hunk Ruru Madrid.

Ginisa nang umaatikabo si Ruru at napag-usapan ang buhay niya na nakaranas ng mara­ming rejection, nasabihan na pangit, at hindi mukhang artistahin. Sa show na ito nalaman din na pinangarap din niyang maging sun­dalo na hindi na natuloy dahil ayaw ng mother niya.

Nang mapag-usapan na ang katawan, kung paano niya na-achieve ang magandang hugis nito, napag-alaman na biktima siya ng pambu-­bully.

Sinabi ni Ruru na na-experience niya ang iba’t ibang panlalait tulad ng ­p­a­­tuka sa manok sa kapaya­tan, walang mararating sa buhay, pangit ang katawan. Pero tinake niya lahat ng pamba-bash para pagsikapan na pagandahin ang katawan na na-achieve niya nang bongga, ngayon nga ay maitu­turing na siyang isa sa mga hunk ng Kapuso.