Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ruru sobrang fresh, hot – Rei

0 47

Ang lakas talaga ng dating ng kakisigan ni Ruru Madrid. Kaya naman lalong nabibighani ang mga kababaihan sa kanya.

“Very welcome addition si Ruru sa Beautéderm family “Isa si Ruru sa mga premiere leading men ng GMA-7 at isa siyang extremely gifted actor. Very strong at potent din ng kanyang online reach na perfect para sa Beautéderm. Nakakamangha ang kanyang professionalism at kindness. At napakasarap niyang katrabaho. Surely, this is the start of a wonderful partnership,” sabi ng Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan.

Sa ngayon ay naghahanda si Ruru bilang bida sa GMA-7 primetime series na Lolong – isang action-fantasy na itinuturing na pinakamalaking proyekto ng network to date.

“Isang honor na maging bahagi ng Beautéderm family. Grateful ako kay Ms. Rei Tan sa kanyang pagtitiwala sa akin na maging brand ambassador at ‘di na ako makapaghintay sa mga exciting na projects na gagawin namin,” sabi naman ni Ruru.

Ang mga personal na paboritong Beautéderm products ni Ruru ay ang grooming essentials ng Spruce & Dash collection ng brand na kinabibilangan ng: Beau Charcoal Soap, Lad Hair Pomade, Hugh Shaving Cream, Charcoal Charmer Face Mask, at Brawn Anti-perspirant White Spray – na mga produktong bahagi ng daily regimen ng batang aktor.

“Perfect ang Spruce & Dash collection ng Beautéderm sa aking very active lifestyle,” paliwanag ni Ruru. “Lagi akong on-the-go at lagi akong busy sa trabaho so I have to make sure that I look and feel my best every time I face other people. Bininigyan ako ng Spruce & Dash collection ng extra boost of confidence na aking kailangan especially when I am having a long day. I start my day with a refreshing shower with Beau Charcoal Soap, a clean shave with Hugh Shaving Cream, a sprits of Brawn for long-lasting freshness, and I cap-off my grooming by styling my hair with Lad. I reward myself with a hot bath at the end of the day with Beau and Charcoal Charmer to remove excess dirt from my face.”

Perfect combination nga ang partnership sa pagitan ng Beautéderm at ni Ruru ngayong summer, o kahit na anong season – pareho silang fresh, hot, at utterly delightful.

Para sa mga kapanapanabik na balita at updates sa Beautéderm at kay Ruru Madrid sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at magsubscribe sa Beautéderm TV sa YouTube. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.