Una sa Balita

Ruru sinugod ng kababaihan sa Lucena

By
0 236

abante-talbog-joe-barramedaGinulo ng mga Kapuso star ang Lucena City na nagdaos ng kanilang annual Niyogniyugan Festival na isang malaking event sa probinsiya ng Quezon.

Dinumog ang SM Mall sa Lucena na ang mga nag-perform ay sina Ruru Madrid, Glaiza de Castro at Lauren Young na parehong nasa Contessa, isa sa mga nangungunang afternoon serye ng GMA.

Si Ruru Madrid as usual ang tinilian ng mga fan nang bonggang-bongga habang inaawitan niya ang mga ito, at pilit na inilalapit ang sarili niya sa kanila, kahit hirap na hirap ang mga security to control the crowd. Sinugod talaga ng kababaihan si Ruru, ha!

At kitang-kita nga ang kasiyahan sa mukha ng mga taong lumusob sa mall.

Kumanta rin sina Glaiza at Lauren kahit pagod sa mahabang biyahe. Lahat naman ay nag-enjoy sa ilang oras na pagtatanghal with matching parlor games.

 

Janine nag-ala-Tom Cruise

 

Bongga si Janine Gutierrez. Face your fears pala ang naging peg niya na hindi nagpapalit sa stunt double nang kunan ang eksenang nakasabit siya sa isang lumang gusali para sa GMA telefantasya na Victor Magtanggol.

Ayon sa kanya, makapi­gil-hininga at buwis-buhay talaga ang eksenang ito dahil sa dulo ng isang gusali lamang siya nakakapit. Dahil dito, naalala rin daw ng Kapuso aktres si Tom Cruise sa ginawa niyang stunt.

Pinasalamatan niya ang mga direktor ng naturang GMA program at ang stunt team nito sa pag-alalay sa kanya.