Una sa Balita

Ruru si Jasmine ang bagong ka-love team

0 311

abante-talbog-joe-barramedaNabansagan na Horror Queen si Jasmine Curtis-Smith dahil sa sunod-sunod na ginagawa niyang horror movies. Ayaw raw niyang mabansagan sa isang genre lang, at mas gusto niya ang iba’t ibang role.

Ang alam ko ay may gagawin din silang movie ni Ruru Madrid under APT. Hindi ko lang alam kung kailan sila mag-uumpisa ng shooting. So, goodbye Kylie Padilla muna si Ruru.

Si Jasmine ay katatapos lang ng isang horror movie na “Maledicto” na prodyus ng Fox Philippines at Cignal TV at sa May 1 na ang opening nito sa mga sinehan. Isang madre ang role niya rito na nag-assist sa isang agresibong pari na ginagampanan ni Tom Rodriguez at inaalagaan nila ang isang babae na napo-possess. Bale first time raw mag-produce ng movie ang FOX Philippines.

Samantala pinupuri ng mga netizen ang maikling role ni Jasmine sa “Sahaya” kung saan gumanap siya bilang ina. Overwhelmed naman si Jasmine sa mga papu­ring natatanggap niya at naging inspiras­yon daw ‘yun sa mga ibinibigay sa kanya ng mga producer.
 

Jeric mapangahas sa sex scene

Kahit idinadaing ang pananakit ng sikmura ay hindi nakatiis si Jeric na hindi sumama sa pamilya sa “Visita Iglesia” sa iba’t ibang simbahan sa Bataan at doon na rin nag-bonding ang pamilya sa isa sa magagandang resort doon.

Mabuti at nakapagnilay-nilay ang guwapong aktor kahit saglit at nakawala sa busy schedules niya sa showbiz. Nakatakdang lumabas ang pinakaseksi or daring act na ginawa niya sa “Magpakailanman” sa April 27 kung saan isang sex slave ang ginampanan niya.

Laban man sa kalooban niya ay ginawa niya bilang aktor at sa guidance ng kanyang director.  May ilang eksenang pinapanood sa amin at totoo nga na nagawa ni Jeric ang isang mapangahas na role.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy