Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ruru, Shaira pinangunahan ‘tree-planting’ sa Antipolo

0 96

Pinangunahan nina Ruru Madrid at Shaira Diaz ang tree-planting activity sa Antipolo kung saan sila nagte-taping para sa kanilang upcoming episode sa ikalawang season ng GMA drama anthology na ‘I Can See You.’

Nitong mga nagdaang araw ay abala na sina Ruru at Shaira sa taping ng kanilang pagbibidahang I Can See You episode na ‘On My Way To You’ kung saan makakasama rin nila sina Arra San Agustin at Richard Yap.

Sa kanilang rest day sa lock-in taping ay nagtungo sina Ruru at Shaira kasama rin sina Arra, Moly de Guzman, at Ashley Rivera sa Mount Purro Nature Reserve upang magtanim ng mga puno.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Ruru ang naganap na tree-planting activity.

“Day 5 at the bubble. Today’s our rest day. So, we decided to plant trees and help save mother nature,” sabi ni Ruru.

Samantala, nakatakda ring pagbidahan nina Ruru at Shaira ang upcoming action-adventure GMA series na ‘Lolong’. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.